Ilan buwan nalang mga kapuso at kapamilya at mag eeleksyon na naman na kung saan itong sunod na 3 buwan ay tiyak na babaha ang pera ng mga pulitiko upang matiyak lamang ang pagboto ng mga tao at syempre ang kanilang panalo. Hindi lang pera ang babaha maging ang mga karahasan ay babaha din at totoong nangyayari yan kung kaya't nakakalungkot isipin na kailangan pang dumanak ang dugo makamit lang ng iba ang pinakakamimithing pwesto. Tuwing kampanya nakakarinig tayo ng sabi ng mga kandidato at plataporma na kung saan ay humihikayat sa atin ng gagawin nilang pagbabago kung sakaling sila ay maupo na sa pwesto at nakakatuwa dahil karamihan duon ay talaga namang kapaki pakinabang ngunit may mga plataporma din na nakakatuwa dahil minsan ay parang bano naman kung iisipin natin. Mahirap manghusga ng mga pulitiko ngunit ang mas mahirap ay kung mababalewala lang ang ating boto dahil hindi natin maitatanggi na sa araw ng pinakahihintay na botohan andyan padin ang bilihan ng boto na kinakagat naman ng iilan nating mga kababayan na naghihikahos sa buhay pero sana alam na natin na ang ganitong estilo ay nagpapadagdag lamang ng kadumihan ng pulitiko dito sa ating bansa kung kaya't wag naman sana nating ipagbili ang ating boto sa halip bumoto lamang sa matuwid na kandidato at hindi sa trapo na walang gagawin kundi ang mangurakot sa ating kaban na tayo naman ang pumupuno pero iba ang nagpapakasasa. Isang matuwid na pagboto lang mga kapatid. Salamat po!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment